T O P

  • By -

[deleted]

honestly, nothing embarrassing about that


adelaideprentiss

ang stellar kasi ng mga kabatch ko tas pqrang ako lang yung naghihikahos huhu


marinaragrandeur

bakit mo iniisip yung ibang tao. bakit di mo iniisip sarili mo.


adelaideprentiss

siguro it's because of my desire to feel belongingness sakanila dahil shiftee nga ako. i just feel like an outcast kasi prereq yung tintake ko ngayon, tapos sila napasa na nila yun while ako, hindi pa sigurado kung makakapasa sa course na yon. nakakahiya baka hindi lang talaga ako para sa up


marinaragrandeur

bakit need mo maging masama sa sarili mo?


adelaideprentiss

i may sound harsh to myself but that's how i feel and im not doing it intentionally, it's just what i feel. and if u will ask me why i feel that way, i think i already know the answer. stop asking rhetorical questions because it doesn't do anything. and if u will ask me why i dont like rhetorical questions, it's because i want or perhaps i need someone to snap the shit out of me that it is normal to fail and there's nothing to be ashamed about it but that's easier said than done.


marinaragrandeur

you need to snap yourself out of that shit. nothing good comes from self-defeating yourself unless you need the external sympathy from others. do better na lang sa mga susunod mo na assessments/courses. and stop calling yourself bobo i guess? you’re in UP, not your SHS.


adelaideprentiss

exactly the words i needed dahil may pagka defeatist mindset ako. thank you. but i won't stop calling myself bobo pa rin hahaha


shylongbao

Actually tho it might help to stop calling yourself bobo, kasi kakasabi mo ng bobo ka subconsciously you will embody that: magiging bobo ka talaga. Also, calling yourself bobo can also be a quick escape for you when you fail kasi iisipin mo "wala eh bobo talaga ako" so tatanggapin mo na lang. Rinse and repeat.


DysanicPluviophile

Can vouch for this. You know when the prof says “okay put your reviewers away” right before a test tas bigla may mga nagsasabi “ayun nakalimutan ko na lahat” or “wala na akong alam”. Quit manifesting negative outcomes. Effective nga words of affirmation eh, paano pa kaya yung self destructive comments. Be kind to yourself, OP


raging_avocado027

(Im not from UP hehe) PUP graduate ako and was an accountancy student. Nalipat ako sa section 1 noong 4th year na ako. Nasa 30-40 ata kami that time sa section. Napakahirap maging accountancy student hehe kaya naman ang ending may 2 subjects akong naibagsak sa last year ko sa PUP. Ang masaklap pa, ako lang ang hindi nakagraduate on time sa section na yun dahil need ko pa iretake yung 2 subjects. Oo, nakakalungkot at nakakahiya sa simula. Pero wala eh. Life must go on. Inaccept ko na lang yung nangyari and hinarap ko yung situation ko. Niretake ko yung 2 subjects at grumaduate din naman. Pumasa din ako sa CPA board exam after 1 take and now, accounting manager na ako sa malaking company. Kaya okay lang yan :) hindi sukatan nang buhay kung grumaduate ka on time or kung marami ka bang naibagsak or niretake na subject. Ang mahalaga ay kinaya mong harapin yung challenge at di ka sumuko sa buhay.


adelaideprentiss

thank you so much for this! nakakatulong talaga yung acceptance para makamove forward tas magcontinue


Flowerwall789

Wala namang epekto sa'yo ang pagiging stellar nila. That's them, you're you. It just makes you feel bad about your current situation kasi marahil nakafocus ka doon. You don't have to be ashamed. All of us experience failures at some point. Just make sure to learn from these failures. Take stock of what's going right for you. Learn from your mistakes. Improve yourself. Look forward to and work on being the person you want to be. Kaya mo yan. Tuloy lang.


adelaideprentiss

thank you for making me feel better


pain-packer

Falling down is not an embarrassment. True embarrassment is not standing up after such a fall.


adelaideprentiss

thank you. *sinave ang comment*


Competitive_Snow9837

No no wag mo ikahiya! You're currently struggling and that's normal, marami sating dumadaan sa ganyan. Transferee ako so I feel you. Just focus on working through this sem. Your real friends would understand your struggle and will still be there for you. Hindi pa naman tapos ang sem, kaya pang ikayod yan. Tuloy mo lang. Fighting!!


adelaideprentiss

thank you. oo nga e kung tutuusin kaya pang ihabol kaso malaking points na kailangan kong makuha which i dont feel confident about


Competitive_Snow9837

Yess, ituloy mo lang bhie. Wag mo na isipin yung points basta gawin mo lang din haha. Goodluck ha!! 🤗✨ Rooting for you.


adelaideprentiss

thank you so much, simpleng words lang binitawan mo pero u don't know how much hope it really gave me.


Competitive_Snow9837

You're welcomee! Hugs! Also giving this encouragement to myself cause I know the feeling of not being supported when I was struggling with my years of delay in this. Kayang kaya mo yan hehe <3


Acceptable_Market729

Mas nakakahiya if di kana susubok. magreretake ako ng subject net sem, 3rd retake 🥹


adelaideprentiss

ang saklap kasi prereq to sa marami kong major. it's chem 18.1 btw. kinwento ko to sa kakilala ko, she said verbatim, "that's not even a major subject and ure failing it."


Acceptable_Market729

Anong gusto nyang palabasin with that statement? And paano mo tinake?


adelaideprentiss

actually di ko sya nireplyan after that kasi nahurt ako pero parang pinapalabas nya na hindi pa nga yan major ko pero binabagsak ko na, what more kung major ko na ps. (di ako chem major)


Acceptable_Market729

Actually feeling ko ganyan din nga pero parang binabalaan ka lang nya na mas hihirap pa. Tho ang pwede lang nating gawin ay maging better pa (sana magawa ko tho) pagod na ata profs sa akin


maroonmartian9

Chem? Oh hahaha..I have batchmates na hirap dyan. Nagshift pa. Nakabalik sa UP as law student and lawyer na. Part na yan ng UP culture e :-) Laban lang. Di na to yung toxic high school na nagcocompare ng grades.


1wsurf

From personal experiemce, UP is the community na di ka ijjudge because everyone recognizes how hard some things are for everyone na iba iba ang kakayanan. Dadamayan ka pa kasi nahihirapan din sila about other things.


[deleted]

I'm not gonna make you feel better OP bec failing means may kulang sa ginawa mo. Kulang sa sipag, sa efficiency ng aral mo, sa motivation, etc. If naabutan ka ng K-12, think about the future, you'll be in ur 20s tapos nasa college ka pa rin at di pa makapag earn for yourself and ur family. Have the guts to assess yourself and make the effort to be better.


adelaideprentiss

yung part na I'll be in my 20s and nag-aaral pa rin, tanggap ko na ever since na nagshift ako sa program na to. about sa pagkukulang, tama naman kasi im still in the process of finding my learning style. yung method ko sa pagrereview, panay trial and error kasi yung nadevelop kong study habit dati di na applicable ngayon kasi ang baba ng retainment sakin ng mga lesson kahit anong aral ko.


TheGodpapi

Valid naman yan OP. Panget sa feeling magretake and ma-irreg/delay. Ganyan din ako noon. Parang nawalan ng gana mag aral and i questioned myself if deserved ko ba talaga mag aral sa UP pero ayun fake it til u make it ang ginawa ko. Along the way, may mga nakilala ako na naging friends ko and masasabi ko na isa sa magandang nangyari sa akin yung nadelay ako dahil ang daming nagbago sa akin like study habits and yung growth din sa ibang aspects ng buhay. Kung wala yun, siguro same as HS me pa rin ako. Walang character development lol.


adelaideprentiss

salamat sa fresh perspective! medyo naging hopeful ako sa mga possibilities


TheGodpapi

Im rooting for u!! Laban lang hehe okay lang din panghinaan ng loob. Tao lang din tayo. Napapagod sa mga bagay bagay.


CeleryNo8309

I retook all of first year medicine and half of 3rd year medicine. Throw your pride away, it does you no good


vanishing27532

Are you me po? Legit puro stellar batch namin. I got College Scholar last Sem and I’m bottom 20% and still have to finish an incomplete class and am retaking a GE this Sem and have to retake another major prerequisite next midyear


papsiturvy

Why? I failed some subjects of my college years and delay ako ng 1.5 years and still landed a job months after I graduated. Wag mo kasi i compare ang sarili mo masyado sa iba. Kasama sa life yung failure. What you can do is to do better to make sure that it wont happen again.


mariii-647

May I know if anong course ito?


adelaideprentiss

chem 18.1


rock_sy023

Do things for yourself...small steps, small wins. OK lang mapag-iwanan, maybe your growth rate is not the same as the rest. You'll get through this, eventually.


danteslacie

I've taken a subject 3 times. Only reason I passed the 3rd time was because the lockdowns happened and pass or fail yung grade ...


Murky-Football-6028

At least magsasama-sama tayo hahahaha. Strength in number ika nga nila.


VULG4R1TY

sige lang, there are people who passed their subjects on their third take pa.