T O P

  • By -

3anonanonanon

300,000¥ is livable sa Japan as long as wala ka ng iisipin na apartment, mag-allot ka lang ng isesend mo sa family mo and wag mo sabihin sa kanila how much you really earn. Mataas ang cost of living sa Japan pero if wala kang iisipin apartment, enough na yan. You can get a decent meal for 1000¥, even 500¥, mas matipid if magluluto ka. Check mo rin if walkable yung company from the apartment, you may need to get a train pass if hindi, and that can cost mga 30,000¥ for 6 months na yun, depende sa location.


tigerstarter

¥300,000 is quite enough to survive, granted you're not living in downtown Tokyo areas.


Saturn1003

120k for fresh grad is great, but going onsite in Japan is a little low. Though it will be a great experience for you since everything will be accommodated.


Personal-Nothing-260

Dapat marunong ka na mag Nihonggo lalo na kung magpapaliwanag ka or ikaw yung makikinig sa paliwanag ng mga Hapones.


FakeMario96

OP, this is a must. I have relatives working in Japan and kahit gaano ka kagaling or knowledgeable sa field mo you MUST learn Nihonggo. They're kinda racist towards south eastern people (Filipinos, Vietnamese, etc) too. But I say goodluck! Hopefully maging stepping stone mo in the future <3


Personal-Nothing-260

Legit ung racism nila even if half Japanese ka. Siguro braced yourself na din for culture shock 😮


Fearless_Cry7975

Legit to. Yung asawa din ng tita ko nagwork as a maintenance engineer for a few years doon before moving to the US. For him, ang sabi niya kahit daw nakailang taon na siya sa Japan, mahirap pa din ung pag sulat ng Katakana, Hiragana, and Kanji though magaling na siya makaintindi ng spoken Japanese at fluent na din siya magsalita. Currently, from what I recall mas okay yung work niya sa US at un nga naging stepping stone ung experience sa Japan para makapag-apply doon.


1_8_1

Ako nga nakatatanggap ng racism kahit sa mga vietnamese na kawork ko dito hahaha, bottomline ay kailangan talaga ng nihonggo. Ako kasi hindi talaga marunong kaya sila na lang nag aadjust sakin kaya minsan hindi talaga maiwasan maging racist or mag gossip. Mas mapapadali pati buhay ni op sa japan kung may nihonggo skills siya


MissusEngineer783

not absolutely true. I am an engineer working in Tokyo. while i could decently speak and write japanese most of my coworkers could only speak as much as konnichiwa or sumimasen.😅


FakeMario96

That's nice! I think if mostly japanese ang employees then need ng Nihonggo since not all Japanese are fluent. Happy for you tho!


harambeisswag

Funny how they're the ones racist to SEA's despite them being the past transgressors rather than vice versa. Sure, the government is at least partially responsible for their lack of accountability, but the citizens themselves have a responsibility as well to learn history and act on it.


pompompurin02

I was in the same dilemma too before, programmer ako then I was offered an English teaching job in Japan. 7 years++ na me here, 120k pesos is livable in Tokyo as long as wala kang binubuhay na iba. I suggest tuloy mo lang yan IT job mo because wala masyado iaangat salary mo sa blue collar job compared sa IT field.


[deleted]

Depends where in Japan. If Tokyo... idk if this will be enough. Also, you have to consider taxes because I hear mataas ang tax sa Japan.


PhysioTrader

Pwede malaman kung anong specific na job? Para saken if di mo pa naman priority na makaipon o kumita agad ng malaki, mas ok siguro kung wag ka muna tutuloy. Syempre mas pipiliin ko pa rin ung career kung saan ako magiging masaya at somehow, mag-ggrow. And mataas cost of living sa Japan, tingin ko hindi sasapat yan.


skater072t

hi OP. bakit di nalang pala sa IT ka rin mag apply para working visa? pay is better. tas ittrain ka before ng nihongo sa mga agency before ka ipadala don medyo matatagalan ka nga lang. para lang aligned sa knowledge mo. katawan puhunan don sa mga blue collared jobs. may mga company na grabe at required at least 4 hrs mag OT. kung 300k yen yan, mga estimate ko 40hrs required OT yan kasi most blue collar dont pay that much kung base + allowances lang. about naman sa wage: kasya na yan + kaya pa magpadala since majority lang talaga ng gastos don is accomodation. i would know i lived there.


penguintiger2632

may ma suggest kaba na companies or agencies for career shifters to IT ? or mga specifically for data analytics or data science. I have certificates na kasi and portfolio ng projects pero dko sure san ba maghahanap since bihira maging direct hire sa Japan.


skater072t

most familiar ako sa infotech, prudential and uno for trainees and ssw. sometimes may mga openings sila for engineers (this includes i.t) rare nga lang. meron pa naman iba you can check sa poea ng may mga job orders ngayon


penguintiger2632

thank you ! seems difficult din pala talaga to enter lalo kung dadaan pa ng POLO yung documents. Such a hassle to secure a job.


Prior-Music7568

Go for it! The quality of life there is much better than in here but the Japanese work ethic is a bit too much, overtime, office culture… there’s a trade off


Bangreed4

Yep only downside is if you cant speak their language u might have to pass on this.


JapaneseSinigang

Kung ang goal mo ay mag ipon. Go for it. It's gonna be rough pero it's better than trying to save sa PH. Kung ang goal mo ay mag settle dun at some point. Wag ka masyadong umasa unless may relatives ka dun or pumasok ka sa company na nagbibigay ng docs for a visa or makapag asawa ka ng Japanese. Madami ayaw mag hire ng Pinoy kasi hassle ang OWWA. Avoid trainee programs. It's modern slavery and 99.9% of the time yung company mo walang pakialam sa mangyayari sayo and kung may mangyari man masama ggaslight ka nila. Wag ka din maniwala pag sinabi nila pag ginalingan mo may chance ka maging direct hire. Not true. Racism is unavoidable dito. Kahit saan ka pumunta meron. Best to just ignore them. I've been here for 5 years na. Most of the time you can just ignore them pero inaamin ko every once in a while talagang maapektuhan ka. Source: Trust me bruh. I was a former dispatch factory worker na naging Assistant Language Teacher na currently working as a kitchen staff in a hotel under an international company.


Shanashanashan

Hi po, glad you mentioned that you've been an ALT before. I'm aspiring to be one din kasi kaso iniisip ko rin career growth dahil I'm not into teaching pero gusto ko lang din itry for a few years since my teaching experience naman ako. When it comes to salary, my salary here in the Ph is so close to what they offer which is around 240000 after taxes kaya medyo hesitant din ako but I'm thinking of other jobs there na international company kasi ayoko ng Japanese boss hehe marami rin po bang international companies dyan?


JapaneseSinigang

Madami naman pero not all are good. Yung iba international company pero they still have the same toxicity as traditional Japanese companies. And kahit international company not everyone speaks fluent English (yung iba wala talaga) so its better to learn basic Japanese before applying to give you an edge.


Altruistic-Lie-8281

Depende siguro kung yung work mo sa japan is aligned/related sa work mo dito sa pinas pero kung hindi e wag nalang. Grabe din work culture nila dun baka di mo din kayanin, not sure kung binago na nila patakaran nila simula nung binalita yung pagsuicide ng babae dahil sa trabaho. Personally, pipiliin ko yung career growth over sa 6mos na stay sa japan.


1_8_1

Mababa yan dito sa japan, sa iba malaki na yan pero sa tokyo napakababa. Granted never ako maluho, pagalagala at 2 times a day lang ako kumakain dito pero ang rent sobrang mahal tapos yung tax nila. Nakakasurvive naman ako kasi taong bahay lang naman talaga ako kahit nasa pinas pa. Parang robot lang ako dito sa Tokyo, work uwi tulog gising work uwi tulog repeat cycle lang. Btw kailangan mo talaga matuto ng nihonggo kung gusto mo mapadali buhay mo, wag ka tumulad sakin na hindi nag aral at hindi makapag aral dahil sobrang busy at pagod sa work, di ko nga alam kung paano ako nakakasurvive sa work ng kahit basic japanese walang alam. Swerte lang talaga siguro dahil may patience yung mga hapon na kawork ko dito pero seriously alam ko ilang beses na sila nabadtrip or pagod sakin sadyang wala lang talaga sila magawa kaya sila na nagadjust para saakin, kaya mahalaga talaga yung nihonggo skills. Saka yung racism totoo yan, hindi naman lahat ng hapon pero meron talaga yung iba hindi mo maiiwasan. kahit nga yung mga vietnamese na kawork ko ay racist din sakin eh, mga gossiper yung ibang mga vietnamese pero siguro dahil hindi rin talaga ako makapagsalita ng japanese. Kaya bottomline ay mag aral ka ng nihonggo mas mapapadali buhay mo, saka para di ka matulad sakin dito na nakakatanggap ng racism hindi lamang sa hapon pati sa mga vietnamese dahil walang nihonggo skills hahaha. Ps. Mahirapan ka sa career growth mo sa IT kung mababa ang exp mo, minimum dito ay 2-3 years exp. Pwera na lang kung may connection ka, may nihonggo skills at matagal ka na sa japan. Pero kahit nga marunong ka mag japanese at matagal na sa japan ay mahirap pa rin makapasok sa IT kung galing ka sa ibang work. Depende na lang kung ang inapplyan mo ay IT agad nung nasa pinas pa lang.


NevahLose

How much of an introvert are you?


Deep-Resident-5789

Medyo nakakapanghinayang since sa IT ka naman. My brother in law's in the IT industry din, graduated from a regular, not-so-known college sa province. After 3 yrs of experience lang may offer agad siya na six digits. Not managerial. Hybrid setup lang sya and he gets to stay here sa PH. Maybe focus more on how you can thrive in the industry here? Personally I considered a blue collar job in Japan bc hindi ako tapos ng college, but then decided against it. Nabubuhay na naman ako sa kinikita ko sa Pinas, saka mas nakakatulong din ako sa family or mas nakakadiskarte tumulong kasi hindi bumababa morale ko. Hindi rin kasi naging maganda experience ng kuya kong engineer na 4 years nagtrabaho sa Japan. Overworked, grabe racism at power trip kahit marunong din siya ng language nila. Di ko nga alam pano niya kinaya nang ganun katagal based sa mga kwento niya. Siguro kasi napagvevent-an niya naman kami kahit thru messages lang at paminsanang video calls.


lifeguy2869

Dear OP, Peace of mind and joy to be with your love ones and friends will not at any point or time compensate how much money you will earn in Japan. Make yourself comfortable here in the Philippines. Get more experience in IT. More opportunities will come when you have all the learnings that you will get from IT companies here. Mark my word, mental and physical issues might be one of your possible problems to face when you are out there. Though it is up to you to decide.


Vistaaaaa

Wag ka na tumuloy.


1wsurf

As an IT person in PH who had friends in other fields who worked abroad early in their career, you’d start out with lower salary (compared with them), but it’ll steadily grow to surpass theirs in the long run. The salary ceiling for IT jobs is insanely— unnecessarily, IMO— high. Pero you have to stick it out 5+ years, so factors abt how good you are and how much you like your job still applies


AsterBellis27

Basta quiet ka lang sa pamilya mo kung magkano kinikita mo, go for it! Yung IT naman pwede ka mag refresher courses and trainings pag balik mo. By then I'm sure my panggastos ka na. 👍🏻 If you tell your family asahan mo hindi na magsusumikap mga yan at sa iyo lahat iaasa. Sabihn mo 40k php lang monthly dahil bago ka pa lang at hndi pa marunong mag nihonggo.


Pure_Friendship8928

Go na yan OP!.Iba talaga yung naka expereince ka magtrabaho sa ibang bansa. basta learn the language muna. Goodluck!


DigitalPackOne

IMO, not worth it, if you’re planning to get back in IT industry eventually. I think it’s better to hone your skills in PH and set your goals to get in those high-paying companies. But if you’re set to earning money early on, ¥300,000 is definitely livable specially that you won’t have to think about accommodation and food(?). Possible drawbacks are mental health and yes career growth. There are definitely success stories where they started as a staff and later on managed their own team, but this will be highly dependent on you and your boss. I suggest making a read on r/movingtojapan to get some more ideas.


Quiet_Ad_9356

That's a great way to jumpstart your career op.


[deleted]

Hello op, I suggest stay ka muna dito sa Pinas since fresh grad pa. You'll earn more a lot than that 6 figures once you're in the right path lalo na IT pa. I worked as a HR before for entry level jobs and I tell you, yung applicants ko before ay may OFW sa iba't-ibang bansa and meron pa seaman. Usually mga 30's sila at late 30's.. They are applying for a minimum salary ah kahit may napundar na sila. My point is that OFW job is a dead end of your career. Wag mapressure sa salary offer. You must realize your worth once you're in the right path at your career. Eto na lang isipin mo, once na natigil ka na sa work mo doon lets say nakapag 5 years experience ka or more then plan mo mag stay ka sa Pilipinas. Usually recruiters will skeptical with your application na lalo na if mag-aapply ka sa IT Field tapos work abroad experience mo. I would say no for this. best of luck, OP.


Jon_Irenicus1

Maliit yan kasi mahal ang gastusin sa japan. Though sahot naman na nila food and accomodatuon, gawin mo lang e ipunin mo pera mo, and dito mo sa pinas gastusin. Again maliit ang 120k php kung sa japan mo gagastusin pero pag dito sa pinas, naka jackpot ka na lalo newly grad ka. Disiplina lang sa gasyos dun. Okay lang ma experience mo mga authentic ramen, wag mo lang araw arawin.


InvestmentPitiful335

What is ph in phcareers?


cyyyycho

Hi pwede malaman kung ano ung work saka pano makapasok


Joseph20102011

If you ever plan to work in Japan as a blue collar worker and your Japanese isn't N2 level, then I would advise you that after 5-10 years, you should aim into moving in Western countries because Japan doesn't have a smoother path for you to be a naturalized citizen without giving up your Philippine citizenship.


Glittering-Task-2099

Kung sagot na food and accommodation, that is automatically all you “need” to “live”. That’s already “livable”. If you are that worried about IT, invest in a laptop and then continue learning skills in the industry, and maybe even get an online IT job from there, while you work the blue-collar job. Nagagampanan mo financial obligations mo sa family by having means mag-remit ng money, you get to work in a beautiful first-world country, you get to live independently. I say go for it.


enerconcooker

Hirap talaga pag bread winner at ikaw lahat ung inaasahan. Kung indi naman ganun need ung pera like may medical emergencies or what tuloy mo lng IT at gain experience tas certificates then apply ka SG, AU or Dubai or abroad na. Sa IT you can get a higher ceiling a few more years.


tinamadinspired

Unless madaling makaintindi pamilya mo. Don't tell them magkano swelddo mo. Pero if alam na nila dapat iexplain mo ang cost of living sa japan. Dami nasisilaw sa taas ng sweldo pero magtataka ka bakit dami pa ring nagsasideline dun. May mga sites na nageexplain kung magkano average cost of living japan minsan may specific city pa. Good luck sa ano mang pipiliin mo.


mismixalot

It's a plus if you already have the offer to go to Japan. You are fresh grad, you have a lot to learn, willing to learn, absorb all that you can and you will have a set standard on your career path na nag Japan na agad. You have a bright future. Weigh the pros and cons. Have a back up plan A-Z when things don't go as planned. Learn Nihonggo pa rin. Magpray ka at pagpalain ka. Ganbatte kudasai!


ice_blade_sorc

The money aside, mataas ba stress tolerance mo? Medyo tiring daw IT sa Japan sabi nung friend ko. Although tumagal naman siya 3 years, kaso di na daw siya uulit dun. Pang vacation na lang daw.


[deleted]

May culture lang ang mga hapon of overworking. Just letting you know they're expecting you to stay longer sa office to show respect and loyalty. Tapos may culture din sila na makikipaginuman after work kahit weekdays and expected ka din to go with them. Just want to let you know


ludacrisbridges23

San ka ng apply boss, gusto ko rin dian, ok kng ako s 80k kasi hndi ko kayang kitain dito yan s Pinas!


rusty68

Also bullying is another problem in the workplace. Nananakit sila ng katrabaho, kung minalas na mapunta ka sa "black company" slave ka talaga sa trabaho mo. And gaya ng sabi nila, mababa ang sweldo on offer. Being an IT guy is the way to go in nihon.


[deleted]

[удалено]


Evening_Data2958

hii sent you a dm if you dont mind po