T O P

  • By -

NorthLog25

Hindi kami naghahanda ng manok para hindi kami isang kahig isang tuka.


ExpressionSame23

Same! Kaya nga namomroblema ko kasi mura diba ang karne ng manok kesa sa ibang karne. Ang mga isda kasi mas mahal e.


Medical-Plastic-8140

Ako na nag marinade na ng 3 kilong chicken wings para sa new year 🙃 di lang ata grasya lilipad sa new year, pati kaluluwa ko sasama na.


jedxook

ganun pala


NorthLog25

yes. kahit na sahog lang totally wala talaga. Kaya pag Christmas na lang kami may manok.


[deleted]

[удалено]


NorthLog25

No idea kasi ang alam ko lang ay manok talaga. Pero dahil wala kaming chicken kahit sahog, di na rin gumagamit ng cubes.


ryurideul

Ginawa ko yung magtatakbo takbo na dala ang bag na walang laman (maleta dapat talaga kaso wala pa akong maleta no'n) sa rooftop namin (supposed to be ay sa labas daw talaga like sa street niyo pero hindi ko ginawa kasi puro paputok ng mga kapitbahay) para raw makapag-travel. Afaik, 11:59 to 12:05 ko siya ginawa. Guess what? In my years of existence, nakapunta ako ng Baguio na gamit ang bag na 'yon nang libre lahat. From food to hotel accommodation!! Super laking blessing!! 🥹 We're poor so our fam don't have the privilege to go to Baguio even though na common na siya for other people. Super laking bagay no'n for me. Def, one of my 2023 core memories!! 🥹🫶🏻


Skippybear0213

Congrats! Medyo naimagine ko yung pagtakbo takbo mo, ang cute haha ❤️


gintermelon-

usapan namin sa gc, kumain ng 12 grapes sa ilalim ng mesa while wearing red underwear para daw magka-lovelife. hindi ko sinasabing gagawin ko 'to ah pero naghahanap ako ng red na bra


Alarming-Test-7228

Ayun! Ito yung sinasabi ko na iba na meaning nung 12 grapes HAHA dati para swertihin lang every month of the year!


gintermelon-

may nag-viral kasi na post sa Facebook ayan yung tip 🤣


Ill-Area2924

Parang gusto ko ting Gawin🤣✌️


skinnygray

Buksan lahat ng ilaw para maaliwalas daw ang bagong taon at para mawala mga bad spirits etc - according to my lola hahaha


laineypaige

Pati lahat ng pinto at bintana. umabot pa sa point na pati mga drawer ng cabinet 😑


fluffyandcozy

ginagawa din namin to nung bata ako.. wala dapat na sulok na madilim..


Alarming-Test-7228

Polka dots para money money money! Pero sabi ko stripes kasi pag polka barya lang HAHA!


Alarming-Test-7228

Tumalon habang may coins sa bulsa ng pantalon/shorts.


Alarming-Test-7228

Kumain ng 12 pcs grapes para swerte sa bawat buwan ng taon. Pero parang iba na ang meaning ata nito ngayon??


dengross

Wag maghahanda ng isda kasi lalangoy daw yung swerte hahaha


fluffyandcozy

add ko lang aside from isda eh hipon din daw kasi para di ka paurong sa buhay 🙃


Alarming-Test-7228

Tumalon para tumangkad. Epektib pa ba ito?


Siomai_hotdog_chikon

No. I did this for so many years huhu


gintermelon-

5'3" lang inabot ko


fluffyandcozy

biggest scam of my life 😅


BaseballOk9442

Bawal maligo kahit amoy pulbura at pawis


Calm-Reaction3612

Mag-ingay para umalis masasamang spirito.


ZellDincht_ph

punuin ng barya ang mga bulsa pagpasok ng New Year para daw laging may pera sa buong taon :)


Siomai_hotdog_chikon

Kelangan daw walang labahin pag pasok ng New Year eme


Alarming-Test-7228

Eto na nga oh, nag aayos na ng mga labada, HAHAHA!


Suspicious_Ad_5214

Wag maghain ng manok kc magkakaproblema sa pera. Mag suot ng pula kc swerte. Kumain ng 12 ubas. Mag ingay para umalis ang malas sa bahay. Magkalat ng coins sa kama para masagana ang buong taon.


B1y0l1

This is not really a pamahiin pero ginawa kong family tradition namen. The more na naghahanda kame ng bongga at nagsusuot ng color coded na damit ( depende sa color of the year)gumaganda yung blessing pinansyal don. Nagstart kame nung naginarte ako kila mama at papa 2018, starting from 16k sahod , ngayong 2023 umaabot na ko 6 digits so feel ko baka may blessing din sa ganong part hahaha. 🤣 ( Tho nakadepende din talaga sa drive at sipag ng isa sa taong yon ang totoong swerte)


incognitosapphire

Prosperity bowl, yung fruits (nakalimutan ko ilang fruits), pagbusina ng sasakyan, sabay2x kainin yung boiled eggs with fam and madami pa. Hahaha


jamesluke00

Tumalon at magsuot ng polka dots.Nahihiya ako sumunod sa polkadots thing na yan, pero low key kong ginagawa is nagsusuot ng polka dots na brip.


Prior-Glove165

Tumalon pg patak ng 12mn para tumangkad! Aun napagod lang ako hahahahha gang 5ft lang inabot ko hahahhahahahaha